A One Way Voyage........

I live life not the way I want it. I live life the way I decided. Decisions never always reflect what you want. Whether it's a mistake or not, it is the way God wanted it to be. Not known for now, but there is a reason, for I have died once, yet lived again. Be it fraught with upsets, at the end of the road, for as long as I can say "I have not harmed a soul", then it withstood the waves and the journey was perfect.-Falcon116

Friday, September 19

ADIK KAY PIOLO

When the Tralala ladies found out Piolo is coming to Darwin, we felt the gods of Ayers Rock and the Katherine Gorge, have somehow woken up, moved, watched and listened to our Bar-B-Q offerings during the Barrio Fiesta...

Ilang lingo ba naman hindi humilom ang sakit sa aking high powers na hita at aking ‘ RAP-GUYS’ booty...Imposibleng di magigising sila Barraiya, Birrahgnooloo at Eingana sa tili ni Catrina....Kung halos punitin na ni Mona ang mga botones sa v-neck na suot nya...



We sort of went into a trance. Nag ‘Operation-Piolo-Look-Out’po kami. We said that if he’s gone to Katherine or even Jabiru, we’re gonna go driving there just to have a glimpse of Papa P. (nagiging parang bakla na po ako-nakakahawa si Cat!)

Pero ilang lingo na po ang nakakalipas, wala pa po kaming nakita o narinig, ni anino ni Piolo...parang natulog yata ulit ang mga Aboriginal gods and goddesses....Maawa naman po kayo’t ipaalam na kay Catrina kung nasaang lupalop ng Darwin nag tatago si Piolo!

Si Catrina po ay na loloka na sa kakahanap. Kita nyo naman kung gano na ka bored ang itsura nya sa kaka antay na makita ni Piolo ang beauty nya. Mukha yatang nag a-araw araw sa mall hoping na (take note)makita ni Piolo and beauty nya...Hindi para makita nya si Piolo. Instead, she found another cake shop na yummy daw! It is so depressing!!!
May chocolate shop pa doon called 'PURE INDULGENCE" kung saan hand made halos lahat ng mga chocolates...

Ang Northern Territory po ay napakalaking lugar, pero nong sinabi nilang paparito si Papa P sa Darwin,ang akala po talaga namin...dito sa Darwin...E kung 3 hours drive to a grocery Shop yong pinag sho-shootingan nila, e, hindi po sa Darwin yon! Nasa land of Borroloola-ala na yon.

Baka akala ng mga tao yong Darwin nasa itaas ng Ayers Rock, o di kaya nasa kalagitnaan ng Jabiru, Alice Springs, Katherine, o di kaya ng Kakadu...

Bakit naman kasi sinabi ni Papa P na dito sila sa Darwin mag sho-shooting? Eh kung sa land of the walalalalala naman pala ang shooting, hindi po Darwin yon. Ang laki ng deperensya. Di pa po natin alam kung anong mga sceneries ang lalabas sa movie nila ni Angel.

Sana naman po ay wag nilang sabihin na Darwin yong mga nakakalokang desyerto sa kalagitnaan ng NT.

Darwin looks like this:
Ang Darwin po ay nasa pinaka tok-tok ng Australia, right on the edge of the Timor Sea. Capital city sya ng buong Northern Territory.

Sa buong Australia po, ang Darwin ang pinaka less populated na capital city, kaya naman po hindi biro kapagka sinasabi nilang pupunta sila Piolo and Angel dito dahil honestly, bihira ho talaga kaming maabot ng kung ano mang kagalakan na palaging tinatamo ng mga malalaking ciudad ng Australia.

Kung sila Piolo, Sam, Gary V at kung sino sino pang mga artista ay palaging dinadawi ang Melbourne, Brisbane, etc., eh, dito po sa Darwin ang tanging naka dalaw sa amin dito ay sila Rico Puno, Pelita Corales, Raymond Lauchenco at ang Reycard Duet.

Yong si Raymond Lauchenco nga nandito, si Catrina halos himatay-himatayin na sa kakakuha ng picture... Imaginin nyo na lang po kung si Piolo pa!

Ganyan ho kami kauhaw ng mga Filipino celebrities dito.

Kaya ho, utang na loob, kapag sinabing pupunta siPiolo sa Darwin, wag nyo namang bigyan ng Sakit sa Puso si Catrina...Baka ma Cowdy Ward na po yong kaibigan namin sa kakaikot ng Darwin sa kakahanap kay PAPA P, yon pala nasa Broome or Jabiru. Hindi po Darwin yon!


Kung ganito po yong mga views sa movie nila...Nasa Darwin po ako, hindi ho ganito ang

itsura ng Darwin. Baka lalong matakot pumunta yong kapatid ko dito. Wag naman.

Pero in fairness huh(boses ni Kris Aquino), very rich ang culture ng mga Aboriginal (natives dito). Very interesting din po ang kanilang history na tinatawag na ' The Stolen Generation'.

Eto po yong generation ng kabataan noong 1869-1969, na tinangal at inagaw ng Australian and State Government para i-indoctrinate/educate, hence, fascilitate the European values and customs sa lahat. But the truth behind it is, winipe-out po ng mga Puti yong mga Aboriginals dito. Pinag papatay po talaga. Pero siguro natauhan sila, binago nila yong pamamaraan ng pag wipe out. Kinuha nila yong mga aboriginal babies para palakihing kasama na sa mga puti at ipa pares na po sa mga puti para ang anak, magiging 'half-cast' na. In the long run, ang aim po nila was to totally wipe out the colour ng mga Aboriginal.

Very controversial po tong generation na to. If you want to open your imagination sa Australian History ng 'Stolen Generation', please do watch 'THE RABBIT PROOF FENCE'. A superb movie....

Balik tayo kay Piolo....Nasaan na nga kaya si Papa P? Kung kayo po ay may kaalaman kung nasaan o kung makita nyo man dito sa darwin ang taong to... Ipag bigay alam po dito sa blog na to at may makukuha po kayong pabuya......BBQ chicken ni Alan!!!! Isang kahon!

Glossary:
Barraiya -Barraiya is a god in Australian aboriginal mythology who created the first vagina with a spear so that Eingana could give birth.


Eingana-In Australian aboriginal mythology, Eingana is a creator goddess and the mother of all water, animals, and humans. She is a snake goddess of death who lives in the Dream time. She has no vagina; she simply grew in size and, unable to give birth to the life inside her, had the god Barraiya open a hole with a spear near her anus, so that labor could commence. Eingana holds a sinew that is attached to every living thing; if she lets go of one, the attached creature dies.

Birrahgnooloo -In Australian aboriginal mythology (specifically: Kamilaroi), Birrahgnooloo is a goddess of fertility who would send floods if properly asked. She is married to Baiame, with whom she is the mother of Daramulum.

Piolo- Tralala god. The women behind the tralala worship and fantasize this perfect image of a MAN.

Infos about Aboriginal gods and godesses taken from this site: http://lowchensaustralia.com/names/aborgods.htm

13 comments:

shnaggy said...

this is a wow post ha. informative.

but u know, they say darwin probably cuz he is staying in one of the hotels there. u should have a link to the hotels and check it out. but too late sis...i heard they are back in pinas now...

shnaggy said...

this is a wow post ha. informative.

but u know, they say darwin probably cuz he is staying in one of the hotels there. u should have a link to the hotels and check it out. but too late sis...i heard they are back in pinas now...

falcon116 said...

nope. they slept in sleeping bags apparently. no hotels, no grocery store.Highly unlikely that he's even stepped on the darwin grounds nor breathed the same air we breathed

falcon116 said...

nope. they slept in sleeping bags apparently. no hotels, no grocery store.Highly unlikely that he's even stepped on the darwin grounds nor breathed the same air we breathed

falcon116 said...

update: Rory says they're leaving for Bukidnon today, to shoot the first half of the movie in Malaybalay. Then they will come back here by the last week of September to go to Darwin, Australia where they will shoot the rest of the movie in October at the northernmost tip of Oz called Northern Territory, the hottest part of the continent just above Queensland.

EEEEEeeeeekkkkkkkkkKKKK!!!! Hindi pa pala naka punta si Piolo dito!!! Sa October pa! Cata may pagasa ka pa...

falcon116 said...

update: Rory says they're leaving for Bukidnon today, to shoot the first half of the movie in Malaybalay. Then they will come back here by the last week of September to go to Darwin, Australia where they will shoot the rest of the movie in October at the northernmost tip of Oz called Northern Territory, the hottest part of the continent just above Queensland.

EEEEEeeeeekkkkkkkkkKKKK!!!! Hindi pa pala naka punta si Piolo dito!!! Sa October pa! Cata may pagasa ka pa...

falcon116 said...

update: Rory says they're leaving for Bukidnon today, to shoot the first half of the movie in Malaybalay. Then they will come back here by the last week of September to go to Darwin, Australia where they will shoot the rest of the movie in October at the northernmost tip of Oz called Northern Territory, the hottest part of the continent just above Queensland.

EEEEEeeeeekkkkkkkkkKKKK!!!! Hindi pa pala naka punta si Piolo dito!!! Sa October pa! Cata may pagasa ka pa...

falcon116 said...

Bakit ganito? nag do-doble doble ang pag post ng comments? Pati blog ko nagka lokoloko na because Piolo is coming to Darwin!

Anonymous said...

Does this mean I have to keep having lunch at the Mall? Eventhough I have my baon i'll just pretend i'm there to buy my lunch. or will I just end up in another cakeshop???
or maybe I don't need to look very far.hahaha wishful thinking.

Cat Dreaming

falcon116 said...
This comment has been removed by the author.
falcon116 said...

ay baka sa tennant creek. may ka trabaho ako, pinoy, may rancho sila sa tennant creek. may camp ground din sila doon, madaming kabayo...if ever, punta tayo? mag camping tayo don...kahit may bagyo...

Unknown said...

qzz0622
ugg outlet
michael kors outlet online
polo ralph lauren
michael kors outlet
michael kors outlet
cheap snapbacks
timberwolves jerseys
cheap jordans
lebron james shoes
adidas uk

roothee said...

v5q25v5y28 t2o85c7s49 l2f01a8y95 t2z78m9c50 f1u06x9q82 k5n75e8z47